Araling Panlipunan 10- Isyu at Hamon ng Panlipunan
Araling Panlipunan 10- Isyu at Hamon ng Panlipunan Paksa: Ang Lipunan Batayan sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan ang pagunawa sa bumubuo ng isang lipunan, ugnayan, at kanyang kultura. Ano nga ba ang ibig sabihin ng lipunan? Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong samasamang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. Halos ganito rin ang pagpapakahulugan ng ilang mga sosyologo tungkol sa lipunan. Ilan sa kanila ay sina Emile Durkheim, Karl Marx, at Charles Cooley. Tunghayan ito sa sumusunod na pahayag. “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.” (Mooney, 2011) “...